CB Cafe Forum Index   HomeFAQSearchMemberlistUsergroupsProfileLog in to check your private messagesRegisterLog in
Tamang Pag bibigay ng Masamang Balita

 
Post new topic   Reply to topic    CB Cafe Forum Index -> Jokes Only
View previous topic :: View next topic  
Author Message
rol_per77
Advance Member
Advance Member


Joined: 10 Oct 2007
Posts: 34
Karma: 0 (0)

0 Cash

PostPosted: Thu Oct 18, 2007 9:28 am    Post subject: Tamang Pag bibigay ng Masamang Balita Reply with quote

Ganito magbigay ng masamang balita...

****************
KUMIRIRING ang telepono nang madaling araw....
"Hello, Master Carlos? Si Arnaldo po ito, 'yung katiwala niyo sa bahay-bakasyunan niyo."
"O, Mr. Arnaldo, ikaw pala. Ano't napatawag ka? May problema ba?
Um, napatawag lang po ako para abisuhan kayo na namatay ang alaga niyong parrot."
"'Yung parrot kong si Pikoy, patay? 'Yung nanalo sa bird show?
"Opo, Master Carlos, 'yun na nga po."
"Putris ... sayang! Ang laki pa naman ng nagastos ko sa ibong 'yon. Hay, buhay! Teka, ano nga ba ang ikinamatay niya?"
"E, kumain po kasi ng bulok na karne...."
"Bulok na karne? At sino namang salbaheng tao ang nagpakain sa kanya ng bulok na karne?"
"W-Wala po. Nanginain po siya ng karne ng isang patay na kabayo."
"Patay na kabayo? Anong patay na kabayo, Mr Arnaldo?"
"E, 'yun pung mga thoroughbred horses niyo, Sir. Namatay po kasi lahat sila sa pagod, kahihila ng kariton ng tubig."
"Nasisiraan ka na ba ng bait? Anong kariton ng tubbbiiiiggggg?"
"'Yun pong pinampatay namin ng sunog."
"Diyos ko po! Anong sunog naman 'yang pinagsasasabi mo?"
"'Yun pong halos tumupok sa bahay niyo.... Tumumba po 'yung isang nakasinding kandila, tapos nagliyab 'yung kurtina at mabilis na kumalat ang apoy...."
"Ano? Puuut.... E, may kuryente naman diyan sa bahay-bakasyunan, a. Para saan 'yung kandila?"
"Para sa burol po."
"Ano? Kaninong burol?
"Sa kapatid n'yo po, Sir. Bigla kasi siya dumating dito nu'ng isang gabi, walang kaabi-abiso. Lampas hatinggabi na. Akala ko po magnanakaw. Binaril ko."



waaaaaaaa.....
_________________
Back to top
View user's profile Send private message
chard21
Site Moderator
Site Moderator


Joined: 11 Sep 2007
Posts: 97
Karma: 0 (0)

0 Cash

PostPosted: Fri Oct 19, 2007 12:31 pm    Post subject: Reply with quote

hahahahahahahaha nice joke sir.....more please!!!!
Back to top
View user's profile Send private message
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic    CB Cafe Forum Index -> Jokes Only All times are GMT + 8 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You cannot post new topics in this forum
You cannot reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2002 phpBB Group
Effex-Media Web Resources


Free Forum Free Top Site List
Make this Forum Ad-Free