CB Cafe Forum Index   HomeFAQSearchMemberlistUsergroupsProfileLog in to check your private messagesRegisterLog in
Razon, nagbabala sa mga tiwaling pulis

 
Post new topic   Reply to topic    CB Cafe Forum Index -> May Nadaya Ba?
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Super Mario
Site Admin
Site Admin


Joined: 11 Sep 2007
Posts: 136
Karma: 0 (0)

0 Cash

PostPosted: Fri Oct 12, 2007 12:18 pm    Post subject: Razon, nagbabala sa mga tiwaling pulis Reply with quote

Muling binalaan ni PNP Chief Director General Avelino "Sonny" Razon Jr. ang mga miyembro ng pulisya na kanya itong sisibakin sa serbisyo kung sakaling masasangkot ang mga ito sa ilegal na operasyon na kahalintulad ng bookies at video karera.

hindi mangingiming ipatupad agad ni Gen. Razon ang pagsibak sa mga ito sa oras na tumanggap siya ng reklamo laban sa mga hinihinalang tiwaling pulis.

Batid ni Razon na may ilang pulis na sangkot sa operasyon ng bookies at video karea kayat nagtatag siya ng pwersa na siayng magmamanman sa mga ito.

Karamihan sa mga sangkot na pulis sa ilegal na operasyon ng bookies at video karera ay ayong mga tinatawag na 15-30 kung magreport sa kanilang tanggapan o tuwing suweldo lamang,

Sa pag-upo ni Razon bilang PNP chief, isa sa iniutos ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang pagsugpo sa ilegal na sugal at partikular na dito and jueteng, Ipinatupad ni Pangulong Arroyo ang kautusan batay na rin sa kahilingan ng simbahan.

Kasama sa mandato ng pulisya ang pagsugpo sa lahat ng uri ng ilegal na sugal na gaya ng illegal horseracing betting station o bookies na pinatatakbo ng mga maimpluwensyang gambling lord at tiwaling pulis.

Kung matitigil ang operasyon ng bookies, higit na makikinabang ang pamahalaan dahil sa lalakas ang benta sa takilya at malaking buwis ang kikitain ng gobyerno mula sa mga taya ng BAYANG KARERISTA.

Kilala na ni Razon ang ilan sa mga tiwaling pulis at ngayon ay pina-iimbestigahan na at inaalam ang iba pang raket bukod sa ilegal na sugal.

Higit na pinagtutuunan ng pansin ngayon ng pulisya ang ilegal na operasyon ng video karera dahil maraming kabataan ang nagugumon dito kaya't naapektuhan na ang kanilang pag-aaral.
Back to top
View user's profile Send private message
ty-rap
Advance Member
Advance Member


Joined: 18 Sep 2007
Posts: 23
Karma: +1 (1)

0 Cash

PostPosted: Sat Oct 13, 2007 1:58 am    Post subject: Reply with quote

ayannnnnnn....ingat ingat po ang may mga ganyang gawain.......LAGOT KAYO...
Back to top
View user's profile Send private message
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic    CB Cafe Forum Index -> May Nadaya Ba? All times are GMT + 8 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You cannot post new topics in this forum
You cannot reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2002 phpBB Group
Effex-Media Web Resources


Free Forum Free Top Site List
Make this Forum Ad-Free